Ang Kapangyarihan ng Pagsamba at Pananampalataya sa Iglesia ni Kristo

Devotional

Sermon Summary

Bible Study Guide

Sermon Clips

Kahit na sila ay pagbantaan ng kanilang amo, na sila aalsin sa trabaho, di bali na para sa kanila yun. Sapagkat alam nila ang mas mahalaga, yung pagsamba. Kasi magtrabaho ka man, nang magtrabaho, hindi mawawala yung problema. Pero pagka ang Panginoong Diyos ang nasa buhay mo, tiyak merong tutulong sa iyo dahil ang Diyos ang mahahabag sa atin para tayo pagkalooban ng Kanyang awa. [00:02:13] (32 seconds)  #WorshipAboveAll Download clip

Habang tayo sa mundong ito, nakakasagupan ng mga suliranin, ano dapat natin gawin? Sa Diyos natin, iyukol yung lahat anya ng ating mga iniisip na nagpapabigat sa ating buhay. Bayaan natin, iwan natin yun sa Panginoong Diyos. sapagkat tayo ay mahalaga sa Kanya. Magkaroon man tayo ng mga ligalig sa buhay na ito. Maging masakit man ang ating kalooban sa buhay na ito. Ngunit dahil sa Kanyang kahabagan, gagawin niyang tama ang lahat ng bagay para tayo makapagtaguyod ng payapa sa ating ginagawang saguting sa Kanya. [00:03:37] (42 seconds)  #TrustInGodsPlan Download clip

Pagka nilabanan natin ang diablo sa ating panahon, lalayuan din tayo noon. Tatakas din yun. Palayo sa atin. Kaya mga kapatid, manintigan tayo sa aral. Panghawakan natin yung mga katotohon ang itinuro sa atin ng ating Panginoong Diyos nakatityak tayo, makararating tayo sa pangakong kaligtasan. [00:07:51] (27 seconds)  #StandFirmInTruth Download clip

Pagka na sa atin yung kapuspusa ng ating Panginoong Diyos, ang sabi sa atin ng Biblia, magagawa natin ang lahat sapagkat mahihingi natin yun sa ating Panginoong Diyos at higit pa roon sa ating hinihingi at iniisip ang ibibigay sa atin ng ating Panginoong Diyos. [00:11:16] (18 seconds)  #PowerOfGodsPromise Download clip

Kasi sa pagsamba, anong ating nararanasan dito? Yung kapangyarihan. Ano ba yung kapangyarihan mga kapatid? Yan ang nagpapalaka sa atin, diba? Yan ang nagpapatapang sa atin. Kasi talagang iba na ang sitwasyon ng mundo na ating kinalalagyan ngayon. Hindi na po pangkaraniwan ang mga masasagupa natin. Pero para tayo makalampas sa lahat ng yan, kinakailangan natin ang katapangan. Kinakailangan natin ang pananampalataya. Kinakailangan natin ang katatagan sa ating paglilingkod na ito. [00:19:13] (35 seconds)  #PowerInWorship Download clip

Ano man ang ating nasasagupa, ano man ang nangyayari, hawak-hawak natin dapat ang pananampalataya natin. Kung kinakailangan ng pagtitiis, kung kinakailangan ng pagtityaga, gagawin natin yun. Hanggang sa wakas, ano dahilan? Yan po ang makatitiyak ng pangakong kaligtasan. [00:22:50] (22 seconds)  #FaithThroughTrials Download clip

Ask a question about this sermon